GMA Logo Shuvee Etrata
Photo source: I-Listen
What's Hot

Shuvee Etrata, maipapatayo na ang dream house next year

Published September 18, 2025 3:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Shuvee Etrata


Abot-kamay na ni Shuvee Etrata ang dream house para sa kaniyang pamilya na maipapatayo na sa 2026.

Isa sa mga biggest dreams ni Shuvee Etrata ay ang mabigyan ng sariling tahanan ang kaniyang pamilya, at malapit na niya itong matupad.

Sa panayam kasama ang broadcast journalist na si Kara David sa isang episode ng I-Listen, ibinahagi ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate na maipapatayo na niya ang kaniyang dream house sa susunod na taon.

“Maybe next year, buo na siya. Sa Mindanao at sa Polomolok. Next year is my goal talaga,” sabi nito.

Ikinuwento rin ni Shuvee na nakabili na siya ng lupa na may sukat na 800 sqm sa Polomolok dahil dito nag-aaral ang kaniyang mga kapatid.

Bilang ate, proud siya dahil sa wakas ay mabibigyan na niya ang kaniyang mga kapatid ng sariling kwarto.

“Ang pinakapaborito ko kapag tinatanong ko 'yung mga kapatid ko 'Anong color ng kwarto 'yung gusto n'yo?'” aniya.

Ibinahagi ni Shuvee na isa ito sa kaniyang mga pangarap dahil hindi pa nila nararanasan magkaroon ng sariling kwarto.

“Never namin 'yun na-experience, na-experience namin lahat kami magkakapatid, walo kami sa isang kwarto. Gusto ko lang maranasan nila na may sarili silang space. Sana makumpleto agad,” ikinuwento ng aktres.

Maliban sa pagkakaroon ng sariling kwarto, nais din ni Shuvee na magkaroon ng permanenteng tirahan para sa kaniyang pamilya na matatawag nilang kanila.

“Growing up, never kami nagkaroon ng sariling bahay namin. Nakikitira kami sa lola palagi, sa Cebu, sa Polomolok, wherever we are, lagi kaming nagre-renta. Wala kaming matawag na sariling amin,” paliwanag nito.

Ngayon, matapos ang kaniyang PBB journey, binaha na ito ng kabi-kabilang proyekto at brand endorsements, na taos puso niyang ipinapasalamat.

Panoorin ang buong panayam ni Shuvee Etrata dito:

Samantala, mas kilalanin ang buhay ni Shuvee Etrata sa gallery na ito: