
From Bahay Ni Kuya to her dream house na ang malapit nang ma-achieve ngayon ng ex-Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate na si Shuvee Etrata.
Nasorpresa ang members ng press at iba pang guests sa big announcement ni Shuvee na inilahad niya sa kalagitnaan ng Sparkle x PBB Grand Mediacon na idinaos noong July 17.
Sa "Unang Chika" na ipinalabas sa Unang Hirit, mapapanood ang pahayag ng Sparkle star tungkol sa pagpapatayo niya ng kanyang dream house.
Ayon kay Shuvee, “Malapit na pong mapatayo ang aking dream house because of PBB... I truly feel like a winner, and that's because of you guys.”
Kaugnay nito, taos-pusong nagpasalamat ang Kapuso star sa lahat ng nagtiwala at patuloy na nagtitiwala sa kanya at sa kanyang mga kakayahan.
Kabilang sa mga ito ang GMA Network, Sparkle GMA Artist Center, ABS-CBN, Pinoy Big Brother, iba't ibang brands, TV shows, at marami pang iba.
Courtesy: Unang Balita, GMA Public Affairs
Mapapansin na matapos ang naging journey niya bilang housemate sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, kabi-kabilang proyekto ang natatanggap ngayon ni Shuvee.
Related content: Shuvee Etrata after 'PBB': guest appearances, collabs, and endorsements
Samantala, matatandaang ang ultimate goal ni Shuvee kung bakit sumali siya noon sa Pinoy Big Brother ay ang maging winner at maibili ng house and lot ang kanyang pamilya.
Si Shuvee ay nakilala sa programa bilang Island Ate ng Cebu at ang kanyang final duo sa loob ng Bahay Ni Kuya ay ang Star Magic artist na si Klarisse De Guzman.