
Siguradong mapapamahal kayo gabi-gabi kay Tonet ng The Master Cutter na gagampanan ng fast-rising Sparkle actress na si Shuvee Etrata.
Isa si Shuvee sa lead stars ng GMA Prime series na pinagbibidahan ni Mr. Dingdong Dantes.
Noong Martes, May 5, idinaos ang grand media conference ng series sa Wolfgang Premiere Lounge sa Gateway Mall at dito nakapanayam ng members of the press ang cast ng serye.
Matapos ang special screening kung saan napanood ang ilang maaksyon eksena sa first few episodes ng The Master Cutter, nagkaroon ng maikling panel interview.
Dito, ibinahagi ni Shuvee Etrata na isang malaking opportunity ang ibinigay ng kanyang home network na mapabilang sa ganitong kalaking project.
Lahad niya, “I'm really grateful! Isa po ako sa nabigyan ng opportunity ng GMA po na mapabilang sa show na 'to.
“I have always been grateful, I was always blessed with a lot of opportunities and masaya lang po ako na sa role na 'to. It's kind of tailored for me, probinsyana!
“Kikay, parang si Shuvee lang din pero sobrang blessed kasi kasama ang nag-iisang Mr. Dingdong Dantes.”
Matutunghayan ang world TV premiere ng The Master Cutter sa GMA Prime simula ngayon Lunes, May 11.
Abangan din ang romcom digital series na pagbibidahan naman ni Shuvee at ng Kapuso Balikbayan heartthrob na si Anthony Constantino.
RELATED CONTENT: Strong chemistry powers 'The Master Cutter' cast