GMA Logo Shuvee Etrata
Photo by: shuveeetrata IG, GMA Network
What's Hot

Shuvee Etrata, mapapanood sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'

By Kristine Kang
Published May 18, 2025 3:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Philippines at the 2025 SEA Games: List of gold medalists
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Shuvee Etrata


May pasilip ang GMA series na 'Sang'gre' sa karakter ni Shuvee Etrata!

Patindi nang patindi ang excitement ng fans sa nalalapit na GMA superserye Encantadia Chronicles: Sang'gre!

Isa-isa nang isiniwalat ang mga karakter ng bagong henerasyon ng mga tagapangalaga ng brilyante na sina Bianca Umali bilang Terra, Kelvin Miranda bilang Adamus, Faith Da Silva bilang Flamarra, at Angel Guardian bilang Deia.

Kamakailan, pinasilip din ang eleganteng costume ng ice queen na si Mitena, na gagampanan ni Rhian Ramos.

Ngunit ang fans, mas lalong nabuhayan nang ibunyag ang isang bagong karakter na hindi inaasahan.

Sa opisyal na post ng GMA Network, unang ipinasilip ang teaser photo ng karakter ng current Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate na si Shuvee Etrata!

Makikitang naka-full war costume ang Kapuso star at handang-handa sa bakbakan.

Tumanggap agad ito ng likes at comments mula sa netizens na humanga sa kanyang fierce aura at toned physique na bumagay sa kanyang karakter bilang mandirigma.


Maliban kay Shuvee, makikilala rin ang mga bagong karakter na gagampanan nina Jon Lucas, Gabby Eigenmann, at Ysabel Ortega.

May magbabalik rin sa mundo ng Encantadia dahil ang apat na minahal na 2016 Sang'gres na sina Kylie Padilla, Glaiza de Castro, Sanya Lopez, at Gabbi Garcia ay mapapanood din sa serye.

Samantala, balikan ang mga naganap sa "Sang'gre For A Day" event na ginawa ng GMA para sa anibersaryo ng Encantadia: