
Patuloy na hinahangaan ng maraming Pinoy viewers at netizens ang personality ng ex-housemate ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na si Shuvee Etrata.
Related gallery: The stunning looks of #IslandGirl Shuvee Etrata
Sa recent event ng Nestle Philippines, kung saan opisyal nang ipinakilala si Shuvee bilang Choose Good Ambassador for Environment and Nutrition, ipinaabot niya ang heartfelt message para sa kaniyang younger self.
Paglalarawan niya sa throwback photo na ipinakita sa kaniya ni Bianca Gonzalez sa mismong event, “That was my Grade 6 self, Shuveedo. She was very insecure in her skin color, faced a lot of rejections… Hindi siya nagagandahan sa sarili niya… pero ang lakas ng loob sumali ng pageant.”
Sabi ni Shuvee sa batang version ng kaniyang sarili, “You've been taking risks and you've been trying to believe in yourself even if mahirap. I just want to say, you did it. You did it, little Shuveedooo. I'm so proud of you and now is your time to actually share good sentiments… It was your dream before to be a voice and now I'll be your voice.”
Kamakailan lang, ipinalabas sa drama anthology na Magpakailanman ang tunay na kwento ng buhay ng Sparkle star, kung saan siya mismo ang gumanap bilang ang kaniyang sarili.
Samantala, si Shuvee ang isa sa naging housemates sa GMA and ABS-CBN's collaboration project na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na patuloy na pinag-uusapan online.
Ang kaniyang final duo sa loob ng Bahay Ni Kuya ay ang Kapamilya star na si Klarisse De Guzman, at nakilala sila sa recently concluded hit reality competition bilang ShuKla.