
May mensahe ang dating Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate Shuvee Etrata para sa mga kabataan na katulad niya ay may insecurities din.
“The moment you just try to be you is the moment everybody will love you. Like you don't need to change every single piece of yourself. Wala kang kailangan patunayan, you don't even need to make other people love you. You just need to be yourself,” sabi ni Shuvee sa presscon ng new endorsement niya.
Sa report ng “Unang Balita” ng Unang Hirit noong Martes, August 19, inamin ni Shuvee na siya mismo ay nakaranas ng insecurities at self-doubt. Nalampasan niya lamang daw iyon dahil tinanggap niya ang kaniyang imperfections.
Malaking tulong din para sa Island Ate ng Cebu ang self-affirmations. Aniya, tuwing umaga ay pinapaalala niya sa sarili na maganda siya.
Nagpasalamat din si Shuvee sa mga nanood at sumuporta sa kaniyang real-life story episode sa Magpakailanman noong nakaraang linggo.
TINGNAN ANG GUEST APPEARANCES, COLLABS, AT ENDORSEMENTS NA NAKUHA NI SHUVEE PAGLABAS NG BAHAY NI KUYA SA GALLERY NA ITO:
Sa ngayon ay naghahanda na si Shuvee na makapag-spend ng time kasama ang kaniyang pamilya lalo na ngayong sunod-sunod ang kaniyang blessings.
Paglabas kasi niya ng Bahay ni Kuya, sunod-sunod na ang guestings at mga proyekto ng Sparkle star. Napapanood din si Shuvee sa Encantadia Chronicles: Sang'gre bilang si Veshdita.
Panoorin ang Unang Balita report dito: