GMA Logo Shuvee Etrata as Veshdita
What's on TV

Shuvee Etrata, may teaser sa mga dapat abangan sa 'Sang'gre'

By Aimee Anoc
Published October 15, 2025 4:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pinoy nurses in US join strike to call for safer staffing, better pay
P22,000 cash, laptop lost to burglar in Iloilo City

Article Inside Page


Showbiz News

Shuvee Etrata as Veshdita


Shuvee Etrata sa aabangan sa 'Sang'gre': "Dito na 'yung fight scenes na sobra talaga naming pinaghirapan."

Nagbabalik ang karakter ni Shuvee Etrata na si Veshdita sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Sa nakaraang episode ng Sang'gre, ipinakita kung paano nakabalik sina Veshdita at Olgana (Bianca Manalo) sa Encantadia. Ito ay matapos nilang pagbantaan at takutin ang mga duwendeng nagbabantay sa kanila sa mundo ng mga tao.

Ginamit nina Olgana at Veshdita ang lagusan ng pagkaligaw pabalik sa Encantadia.

Sa interview ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, ibinahagi ni Shuvee ang mga dapat pang abangan sa Encantadia, at ito ay ang mga paparating na puksaan.

"Marami kayong mga aabangan. Dito na 'yung fight scenes na sobra talaga naming pinaghirapan," sabi ni Shuvee.

"Dito na may lalabas na powers. They will see more of Mine-a-ve," dagdag niya.

Patuloy na subaybayan si Shuvee Etrata bilang Veshdita sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

SAMANTALA, TINGNAN ANG BEHIND-THE-SCENES NI SHUVEE ETRATA BILANG VESHDITA SA 'SANG'GRE' SA GALLERY NA ITO: