GMA Logo Kim Chiu, Shuvee Etrata, Maymay Entrata, It's Showtime
Photo by: @itsShowtimeNa X
What's on TV

Shuvee Etrata, Maymay Entrata, at Kim Chiu, ipinagmalaki ang mga Bisaya

By Kristine Kang
Published July 8, 2025 3:43 PM PHT
Updated July 9, 2025 2:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Joanie Delgaco, Kristine Paraon strike gold in rowing
Chavit Singson to meet Miss Universe next month to negotiate, possibly buy the organization?
APSEMO holds emergency meeting as Mayon shows increased activity

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Chiu, Shuvee Etrata, Maymay Entrata, It's Showtime


Puno ng saya at tawanan ang pagbisita nina Shuvee Etrata at Maymay Entrata sa 'It's Showtime!'

Bisaya for the win talaga ngayong Martes (July 8) sa fun noontime program na It's Showtime!

Umpisa pa lang ng programa, agad bumungad ang energy overload sa pagdating ng special host na si Shuvee Etrata at ng “Escort of Appeals” hurado na si Maymay Entrata.

Pagkita pa lang nila, hindi na napigilang matawa at matuwa ang dalawa sa isa't isa.

"Shuvee, 'day!" masayang bati ni Maymay. "Alam mo, pinapasaya mo lagi inay ko kaya thank you talaga. I love you 'day."

Agad nauwi sa kulitan ang Kapuso at Kapamilya star nang biniro sila ni Jhong Hilario na magkamag-anak daw sila.

"Mare, kamag-anak ba talaga kayo miga?" tanong ni Kim Chiu.

Ang witty na sagot ni Maymay?

"Kulang nalang ng N. Etrata siya kasi ako Entrata," hirit ni Maymay.

Mas lalong umapaw ang good vibes nang nag-Bisaya mode sina Shuvee, Maymay, at Kim sa harap ng madlang people.

"Hoy! Dili lang ta lamion, gwapa ta! (Hindi lang tayo masarap, maganda tayo)" hirit ni Maymay.

"Dili pud lami, dili pud gwapa, lig-on! (Hindi lang masarap, hindi lang maganda, matibay pa)," dagdag ng Chinita Princess.

"Basta Bisaya, gwapa! Gwapa kay basta Bisaya, oy! Asa gwapa bhie? (Basta bisaya, maganda. Nasan 'yung maganda bhie)," sigaw ni Shuvee.

Tawanan kaagad ang madlang people at hosts, parehong nagulat sa high energy ng tatlo.

"Grabe 'yung energy parang fliptop no? 'Yung energy nila ang galing!" pinuri ni Vhong Navarro.

Labis din ang tuwa ng online netizens sa "Bisaya represent" moment ng tatlong aktres. Agad na pinag-usapan sila sa iba't ibang social media pages.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.