
Matapos ang kanyang naging journey sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, tila mas nakilala sa entertainment industry ang Sparkle star na si Shuvee Etrata.
Related gallery: The stunning looks of #IslandGirl Shuvee Etrata
Bukod sa sunud-sunod na guestings at iba't ibang proyekto, pinag-uusapan din ngayon ng viewers at netizens ang ilang videos ni Shuvee sa social media.
Isa na rito ang pagkikita ng Kapuso star at ng kauna-unahan niyang supporter na si Nova.
Kinagiliwan sa TikTok ang throwback clips ni Shuvee habang hinahanap si Nova at nagkukwento sa request ng huli sa kanya.
Sabi niya, “Nova, alam mo hahanapin kita kapag sumikat talaga ako, ang tagal mo nang nag-aano sa akin. Kapag ako sumikat si Nova hahanapin ko…”
“Si Nova kasi guys gusto niya mag-fan meet kami tapos nakalimutan niya na siya lang mag-isa gusto mag fan meet,” hirit niya sa isa pang clip.
@nonono.100 Guys hindi naman na siguro ako mag isa sa fan meet noh🥹🥹 BTW na meet ko na si shuvsss 🫶🫶 LET'S CONTINUE TO SUPPORT HER PO🥹🥹 ctto sa 1st vid🫶 @Shuvee Etrata #shuveeetrata ♬ original sound - novaaaa ಠಿ_ಠಿ
Video courtesy: novaaaa (TikTok)
Sa latest video na inupload ni Nova sa kanyang TikTok account, mapapanood na masayang-masaya siya nung mapansin siya ni Shuvee sa gitna ng maraming tao.
Excited at masayang sinabi ng Island Ate ng Cebu habang nag bi-video, “Guys, nakita ko na si Nova.”
Pagkatapos niyang yakapin si Nova ay sinabi niya rito, “Nova, tingnan mo ang dami na natin.”
@nonono.100 "NOVA TIGNAN MO ANG DAMI NA NATIN" grabeeee talaga😭😭 naiyak na naman akooo!!! Iloveyouuu so muchhhh @Shuvee Etrata deserve mo lahat ng pagmamahal sa mundo 🫶🙁#shuveeetrata #shareacoke #michaelvee ♬ original sound - novaaaa ಠಿ_ಠಿ
Video courtesy: novaaaa (TikTok)
Bago ito, spotted din si Nova sa homecoming event ng Sparkle ilang araw matapos lumabas ng Bahay Ni Kuya ang Kapuso housemate na si Shuvee.
Sa ilang showbiz news na unang inilabas ng GMANetwork.com, inilahad ang pagdami ng followers ni Shuvee sa kanyang Instagram at TikTok accounts.
Samantala, si Shuvee ang final duo ng Kapamilya housemate na si Klarisse De Guzman sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Related gallery: Celebrity houseguests sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'