GMA Logo shuvee etrata
Celebrity Life

Shuvee Etrata, na-bully dahil sa kanyang morena skin: 'Hindi ako lumaking maganda'

By Kristian Eric Javier
Published March 14, 2024 3:14 PM PHT
Updated March 14, 2024 4:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tech innovator Dado Banatao passes away at 79
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

shuvee etrata


Aminado si Shuvee Etrata na naging "harsh" siya sa kanyang sarili noon. Pero ngayon, proud na siyang sabihin na, "I'm imperfect pero I'm beautiful."

Dahil isang certified island girl si Shuvee Etrata, hindi malayong magkaroon siya ng morena skin. Aminado ang Sparkle actress na na-bully at ikinahiya niya ang pagiging morena noon, ngunit natutunan niyang mahalin ito at maging proud sa kaniyang kulay.

Tumira at lumaki si Shuvee sa Bantayan Island sa Cebu, kung saan doon nakatira ang kaniyang mga magulang habang nandito siya sa Manila para magtrabaho.

Sa Updated with Nelson Canlas podcast, ikinuwento ni Shuvee na lumaki siya sa tabi ng dagat at isa sa madalas niyang gawin ay lumublob at lumangoy rito. Sabi pa ng aktres, nagkaroon pa ng panahon na umaabot siya ng sampung oras sa paglangoy, dahilan para lalo siyang maging morena.

“Dati nga, like, 10 hours ako sa dagat. Kaya, ang kulay, nag-dark na talaga kasi ayaw kong tumigil maligo ng dagat. So, naalala ko po, pag-gising ko, ang ginagawa ko 5am, jogging sa dagat,” sabi niya.

Ngunit ayon kay Shuvee, hindi rin naging maganda ang pagtanggap ng ibang tao sa kaniyang pagiging morena at sinabing na-bully siya noon dahil dito.

“I was bullied because of my skin color, Sir Nelson. Growing up like having this morena skin and marami ako nung pantal-pantal. So hindi ako lumaking maganda,” sabi niya.

BALIKAN ANG ILAN SA MGA PROUD MORENA CELEBRITIES AT KANILANG CAPTIVATING SWIMSUIT PHOTOS SA GALLERY NA ITO:

Dagdag pa ni Shuvee tungkol sa pagsali niya noon sa mga pageant sa Bantayan Island, nahihiya siyang magsuot ng mga swimsuit para sa kompetisyon dahil sa kaniyang stretch marks at “imperfect body.”

“Hindi ako yung sobrang sexy, wala akong ganito, wala akong ganyan. Palaging ganun 'yung sinasabi ko sa sarili ko. I was so harsh with myself,” sabi niya.

Ngunit dahil din sa pagsali niya sa pageants ay natutunan umano ni Shuvee na mas mahalin pa ang sarili niya at tanggapin ang imperfections ng kaniyang katawan. Ito rin mismo ang dahilan kung bakit naging mas confident ang aktres.

“I became more confident kasi ah, I'm imperfect pero I'm beautiful. Parang the moment I decided not to care about what other people will say and just listen to what I really love, what I really want, dun po ako naging mas confident as a woman na hindi ko nung pala kailangan silang pasayahin,” sabi niya.

Pakinggan ang buong interview ni Shuvee dito: