
Pinag-uusapan sa social media ang latest video ni Shuvee Etrata sa Facebook.
Ang naturang post ay isang reaction video, kung saan inilahad ni Shuvee ang naramdaman niya nung makita niya ang final look ng kaniyang susuotin na gown para sa GMA Gala 2025, ngayong Sabado, August 2.
Related gallery: The stunning looks of #IslandGirl Shuvee Etrata
Naging emosyonal at napasigaw ang Sparkle star nung i-reveal at ipinasukat na sa kaniya ang gown na ayon sa kaniya ay kauna-unahang gown na ipinagawa para sa kaniya para sa big event.
Paglalarawan ni Shuvee sa kaniyang gown, “It's really beautiful.”
Bukod dito, inalala ng Kapuso star ang mga sinuot niya upang makadalo sa mga nagdaang Gala ng GMA Network.
“Naalala ko 'yung mga previous Gala na kung saan-saan ako kumukuha ng gown… I can't wait na mapakita po sa inyo ang aking final gown dahil sobra niya po talagang ganda,” pahayag niya.
Dagdag pa ni Shuvee, “Sigurado po akong magiging mabango, mahalimuyak ang ating red carpet. So, ready ka na ba? See you.”
Sa kasalukuyan, umabot na sa 1.8 million views ang video ni Shuvee.
Si Shuvee ay isa sa ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition at nakilala siya rito bilang Island Ate ng Cebu.
Related gallery: Shuvee Etrata after 'PBB', guest apperances, collabs, and endorsements