GMA Logo Shuvee Etrata
Courtesy: shuveeetrata (IG)
What's Hot

Shuvee Etrata, naging emosyonal sa natanggap na sulat mula sa kaniyang ama

By EJ Chua
Published May 3, 2025 7:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Shuvee Etrata


Shuvee Etrata sa letter na natanggap mula sa kaniyang ama sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition: “Para po siyang hug.”

Isa si Shuvee Etrata sa housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na nakatanggap ng sulat mula sa kanilang mga mahal sa buhay.

Related gallery: Meet the Kapuso and Kapamilya housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'

Ang letter ng ama ni Shuvee ang isa sa mga bitbit na special package ng houseguest na si Donny Pangilinan nang pumasok siya sa Bahay Ni Kuya.

Naging emosyonal ang Sparkle housemate nang mabasa niya ang mensahe ng kaniyang ama, kung saan humingi ito ng tawad sa lahat ng kaniyang pagkakamali.

Bukod dito, ibinalita rin ng ama ni Shuvee na mayroon na siyang trabaho, bagay at isyu na minsan nang naikuwento ng huli sa kaniyang housemates.

Unang inalala ng Sparkle star ang naramdaman niya noong mag-isa siyang naninirahan sa Maynila.

“Ilang beses ko pong nangangailangan ng magulang, ilang beses ko kinailangan 'yung suporta nila sa akin, never po nila akong tinulungan, kaya lumaki pa lalo 'yung galit ko sa kanila,” sabi niya.

Pagbabahagi pa ng Kapuso housemate kay Big Brother, “Para po siyang hug... 'Yung kinakailangan ko po na hug mula sa isang ama, natanggap ko po siya ngayon sa letter po.”

Samantala, kilala ngayon si Shuvee sa teleserye ng totoong buhay ng mga sikat bilang Island Ate ng Cebu.

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.