
Nakatanggap ng warm welcome mula sa kanyang fans si Shuvee Etrata sa pagbisita niya sa Tacloban, Leyte.
Sa showbiz report sa Unang Hirit nitong August 28, ipinasilip ang pagdayo ni Shuvee sa isang mall sa Leyte, kung saan dinumog siya ng kanyang supporters. Ang clips na ipinalabas sa morning show ay kuha ng GMA Regional TV.
Sa naturang event, game na game na nagpasaya si Shuvee ng kanyang fans na talaga namang inabangan ang kanyang pagdating at pagbisita sa Leyte. Sa isang mall, very energetic sa kanyang performance ang tinaguriang Island Ate ng Cebu.
Bago ito, bumisita sa Polomolok, South Cotabato ang Sparkle star at ang kanyang suitor at TDH [Tall, Dark, and Handsome] na si Anthony Constantino.
Ang nabanggit na lugar ay hometown ni Shuvee, at masayang-masaya rin siya na muli siyang nakabalik doon.
Samantala, isa si Shuvee Etrata sa ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na paborito ngayon ng napakaraming viewers.
Nakilala siya sa hit collab ng GMA at ABS-CBN bilang Island Ate ng Cebu.
Ang Star Magic artist na si Klarisse De Guzman ang final duo niya sa loob ng Bahay Ni Kuya, at nakilala sila sa recently concluded hit reality competition bilang ShuKla.
Related gallery: The stunning looks of #IslandGirl Shuvee Etrata