What's Hot

Shuvee Etrata, nanawagan ng dasal at tulong para sa mga Cebuano

By Kristine Kang
Published October 3, 2025 2:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Napoles gets reclusion perpetua anew after Sandiganbayan convicts her for malversation
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Shuvee Etrata


Nakiisa si Shuvee Etrata sa mga nagdadasal at tumutulong para sa mga biktima ng lindol sa Cebu.

Marami ang naapektuhan sa 6.9 magnitude na lindol na tumama sa Cebu kamakailan.

Bukod sa mga nasawi, maraming tahanan ang gumuho at ilang historical landmarks ang nasira.

Isa sa mga lugar na naapektuhan ay ang Bantayan Island, kung saan lumaki ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition star na si Shuvee Etrata.

Sa panayam ng GMA Integrated News, nagpaabot ng mensahe si Shuvee para sa kanyang mga kababayan.

"Sa mga taga-Cebu diyan, sa mga taga-San Remigio, patuloy lang po sa mga panalangin, 'wag mag-give up," aniya sa Bisaya.

"'Yung mga nasalanta sa mga nakakaranas ng hirap o nahihirapan, ipagdadasal ko kayo para mas maging strong pa kayo at 'di mag-give up.May mga ipinadala na po kaming tulong para sa inyo, a, together, 'di tayo susuko. Kaya natin lahat ito."

Kuwento ng Kapuso actress, ligtas naman ang kanyang mga kamag-anak sa Cebu, ngunit nalulungkot siya para sa mga nasawi at biktima. Kaya't muling nananawagan si Shuvee ng dasal at suporta.

"Sobrang grabe 'yung nangyayari ngayon sa Cebu. So right now, I hope maraming tulong dumating. Kailangan ng man power, medical assistance na pwedeng pumunta sa bugo mismo," pahayag niya.

Bilang unang female ambassador ng Boy Scouts of the Philippines, ipinaalala rin ni Shuvee ang kahalagahan ng pagiging handa at pagbo-volunteer sa panahon ng sakuna.

"Nagpadala na ako ng tulong sa LGU doon, volunteers natin doon. Kung kaya ko nga lumipad ngayon para tumulong, magagawa ko. Pero baka hanapan ko ng schedule na pumunta talaga doon at magbigay ng tulong sa mga taga Cebu."

Sa ngayon, kasama si Shuvee sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre. Mapapanood din siya sa upcoming horror film na Huwag Kang Titingin kasama ang iba pang PBB at Kapuso stars.

Silipin ang iba pang celebrities na nag-abot ng 'spirit of kindness' sa gallery na ito: