GMA Logo Rave Victoria, Fred Moser, Shuvee Etrata
Courtesy: EJ Chua, GMANetwork.com
What's Hot

Shuvee Etrata, napaamin sina Fred Moser at Rave Victoria tungkol kina Ashley Sarmiento at Princess Aliyah

By EJ Chua
Published December 10, 2025 6:14 PM PHT
Updated December 10, 2025 6:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA scores today: Spurs vs Warriors, Celtics vs Heat, and other games
Glaiza de Castro shares story behind her pad paper barong
Church clarifies Holy Week beliefs, urges focus on faith

Article Inside Page


Showbiz News

Rave Victoria, Fred Moser, Shuvee Etrata


Na-enjoy ni Shuvee Etrata ang bonding nila ng 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0' housemates!

Si Shuvee Etrata ang latest houseguest sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Sa kanyang pag-stay sa loob ng Bahay Ni Kuya, naabutan niya ang housemates na humaharap sa consequences tungkol sa kanilang sunud-sunod na violations.

Isa na rito ang utos ni Big Brother na hindi muna puwedeng magkasama at magkalapit ang boys at girls kahit sila ay nasa iisang bahay lang.

Kasabay nito, tinulungan ni Shuvee ang male housemates sa pagsorpresa sa girls na gusto nilang paglutuan ng pancakes.

Kaugnay nito ay mabilis na umamin sina Fred Moser at Rave Victoria na ang girl housemates na nami-miss na nila ay sina Princess Aliyah at Ashley Sarmiento.

Sa fan-favorite ships sila ay kilala bilang FredCess at AshRave.

Related gallery: Meet the fan-favorite ships in 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'

Samantala, si Shuvee ay nakilala noon sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition bilang Island Ate ng Cebu.

Ang naging final duo niya ay ang Star Magic artist na si Klarisse De Guzman.

Kilala rin ngayon si Shuvee bilang Nation's Darling at kasalukuyang abala sa kabi-kabilang proyekto.

Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream.

Samantala, bilang isa sa mga nakatutok sa teleserye ng totoong buhay, sino sa male at female housemates ang gusto mong maging big winner ngayong season?

Sagutan ang polls sa ibaba: