
Bukod sa tulong ng kaibigang si Ashley Ortega, isa rin daw na nakatulong kay Shuvee Etrata na mag-heal mula sa mabibigat na family issues na pinagdaanan ay ang manliligaw at Sparkle actor na si Anthony Constantino--na tinulungan siyang mapalapit sa Diyos.
Kuwento ni Shuvee sa vlog ng Unkabogable Star na si Vice Ganda, "marespeto at talang mabait" si Anthony.
Mabait po talaga si Anthony. Nu'ng time naman po... feeling ko kasi hindi lang friends 'yung makakatulong sa iyo, it's also God," sabi ni Shuvee. "'Yung pagdadala niya sa akin sa church ang laking bagay nun kasi minsan 'yung Sunday I would rather just rest. 'Yung time na mini-make effort niya talaga ako para dalhin do'n."
Ikinuwento rin ni Shuvee kay Vice ang panliligaw ni Anthony at ang respetong ibinibigay sa kanya ng binata.
"'Yung sa amin po talaga ni Anthony totoo siya, nagliligawan po talaga kami," pagbabahagi ni Shuvee.
"Nandyan na siya January pa. Yes, we are pursuing our relationship pero nandoon pa rin na ayaw kong ma-commit, natakot po akong maging in a relationship. Pero siya naman binibigay niya sa akin 'yung time na 'yon and then nililigawan niya talaga. Respectful talaga," dagdag niya.
SAMANTALA, MAS KILALANIN SI ANTHONY CONSTANTINO SA GALLERY NA ITO: