
Aminado sina The Master Cutter actresses Shuvee Etrata at Charlie Fleming na hindi madali maging isang breadwinner ng kani-kanilang mga pamilya. Sa katunayan, pag-amin ng una, umabot na siya sa puntong kinailangan niyang mag-set ng boundaries sa kaniyang pamilya.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, March 30, binalikan nina Shuvee at Charlie ang pagiging breadwinner nila sa kanilang mga pamilya. Pag-amin ng una, sa pagsuporta sa kaniyang pamilya, umabot sa punto na naubos din siya.
“Kasi 'yung trabaho po namin dito as an artista, hindi naman po siya palaging meron, e. So 'yung mga times na before po PBB, wala na po talaga akong maibigay, kahit na PhP 5,000 na para sa akin, ibibigay ko na lang sa kanila tapos magnu-noodles na lang ako,” sabi ni Shuvee.
Sabi pa ng aktres, kaya naman niyang tiisin lahat para sa kaniyang pamilya 'wag lang magutom ang kaniyang mga kapatid.
“I make sure na every week, may pagkain ang ref, may supplies kayo diyan, hindi kayo magugutom. 'Yung pag-aaral n'yo na lang paghirapan n'yo. 'Yung baon, ako na 'yan,” sabi ng aktres.
BALIKAN ANG RECENT GETAWAY NI SHUVEE SA SEOUL, SOUTH KOREA SA GALLERY NA ITO:
May mga nagsasabi rin umano sa aktres na baka mag-rely na lang sa kaniya ang mga magulang at pamilya niya. Ngunit ayon kay Shuvee, nakausap naman na niya ang kaniyang mga magulang. Aniya, sinasabi niya sa mga ito na hindi madali ang trabaho niya at kailangan din ng aktres ang tulong nila.
Dahil din dito, natuto mag-set ng boundaries ang aktres pagdating sa kaniyang pagtulong.
“Ngayon, na-learn ko na mag-draw ng boundaries para naman 'to sa kanila and I'm building a house for them, make sure na they live a comfortable life. Pero I want them to really do their best sa studies nila,” sabi ng aktres.
Aminado rin si Shuvee na strikto siya bilang isang ate sa kaniyang mga kapatid dahil gusto niyang pagbutihin nila ang kanilang pag-aaral at magabayan sila sa buhay.
“As much as possible, gusto ko, guided sila, hindi sila lumaking walang natatanungan, walang mahingian, nagugutom, 'yun lang naman talaga 'hung priority ko, Tito Boy,” sabi ng aktres.
Panoorin ang panayam kina Shuvee at Charlie dito: