
Ngayong nasa outside world na siya, masaya si Shuvee Etrata na si Klarisse De Guzman ang naging huli niyang ka-duo sa pagtatapos ng kaniyang journey sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com, buong-pusong ibinahagi ng ex-PBB housemate na nagpapasalamat ito sa kaniyang ka-duo.
"Ako po pinili ko po talaga si Ate Klang and no regrets po ako kay Ate Klang," sabi ni Shuvee.
Ikinuwento ni Shuvee na si Klarisse ang isa sa mga dahilan kung bakit siya naging okay sa kaniyang buong PBB journey dahil inamin nito na marami silang pinagdadaanan habang nasa loob ng Bahay ni Kuya.
Dagdag nito, "Isa po si Ate Klang sa nagbigay ng balance, the source of respect inside the house, the reason why masaya ang loob ng bahay, isa po sa mga nagbigay ng inspirasyon sa aming mga housemates na magpakatotoo."
Ipinagmalaki ng Sparkle artist na wala itong pagsisisi at masaya ito na si Klarisse ang kaniyang final duo.
Nagbiro pa ito at sinabi na "sa lahat ng promo, kakanta siya, ako magfa-flower dance na lang, magfa-flower sticks."
Sina Shuvee at Klarisse ang huling na-evict sa loob ng Bahay ni Kuya noong June 14.
Huwag palampasin ang susunod na mga sorpresa at twists sa mga huling linggo ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.
SAMANTALA, TINGNAN DITO ANG WELCOME PARTY NI SHUVEE ETRATA NA INIHANDA NG SPARKLE