What's on TV

Shuvee Etrata on playing Tonet: 'I'll always be grateful that I got to tell her story'

By Aedrianne Acar
Published July 31, 2026 6:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pagkamatay ng mga dugong, bakit nagpapatuloy?
One Mindanao: July 31, 2026 | Livestream
Makati's 'Weekend Shared Street' begins this August

Article Inside Page


Showbiz News

Shuvee Etrata


Taos-pusong nagpasalamat si Shuvee Etrata sa lahat ng sumubaybay at nagmahal sa karakter niyang si Tonet sa 'The Master Cutter.'

Bumuhos ang luha ng mga manonood na tumutok sa The Master Cutter nitong Huwebes ng gabi matapos ang masakit na pamamaalam ng karakter ni Shuvee Etrata na si Tonet.

Ibinahagi ng Sparkle actress sa kaniyang social media accounts ang ilang behind-the-scenes moments mula sa taping ng kaniyang final episode sa hit GMA Prime series. Kabilang dito ang makabagbag-damdaming eksena nila ng co-star na si Ketchup Eusebio, na gumaganap bilang kuya ni Tonet na si Emerson.

Bukod sa pagbabahagi ng exclusive sneak peek sa kanilang taping, nag-iwan din si Shuvee ng mensahe para sa buong cast, crew, at mga sumubaybay sa serye.

Aniya, "Thank you so much sa lahat ng sumubaybay at nagmahal sa journey ni Tonet. Napakalaking bagay po sa akin ng proyektong 'to. Dito po ako natuto, nag-grow, at mas nakilala ko ang sarili ko bilang artista. Daghan kaayo kog nakat-unan, and I'll carry all of it with me."

Taos-puso rin ang kaniyang pasasalamat sa lead star ng serye na si Dingdong Dantes at sa kaniyang on-screen kuya na si Ketchup Eusebio.

Aniya kay Dingdong, "Kuya @dongdantes, thank you for being our Master Cutter! Hindi mo lang kami tinahi-tahi sa show, pati off-cam... you really sewed us together. HAHAHAHA!"

Samantala, ito naman ang mensahe niya para kay Ketchup:

"Kuya @ketchup.eusebio, my Manong 🥺 Sobrang swerte ko po na nakatrabaho kita. Ang dami kong natutunan sa'yo. Daghang salamat, Kuya!"

A post shared by Shuvee Etrata (@shuveeetrata)

Nagpasalamat din ang Kapuso actress kay Direk Dominic Zapata sa gabay na ibinigay nito upang mas mapaghusay pa niya ang kaniyang pagganap bilang Tonet.

"To our production team, GMA Creatives, Sparkle, and especially Direk Dom—maraming salamat po sa tiwala, patience, at guidance. Thank you for believing in me and for giving me the chance to bring Tonet to life."

Dagdag pa niya, "And sa lahat ng nanonood, THANK YOU! Lagi niyo kaming ginagawang #1! Lalo na sa mga Bisaya diha, daghang salamat kaayo! 🤍 And thank you, @netflixph, for the love and support!

"'Wag ni[n]yo tigilan suportahan ang The Master Cutter, ha? Kahit wala na si Tonet, bantayi gihapon ninyo sila para sa akoa. 🥹 Tonet became such a big part of me, and I'll always be grateful that I got to tell her story.

"Maraming salamat. Daghang salamat. See you next time."

Nagtapos man ang kuwento ni Tonet sa The Master Cutter, may panibagong proyektong aabangan ang fans ni Shuvee. Mapapanood siya sa upcoming GMA series na Code Grey, na pagbibidahan ng Asia's Multimedia Star na si Alden Richards.