
Ramdam na ramdam ni Shuvee Etrata ang pagmamahal at mainit na suporta sa kanya ng mga tao sa naganap na fan event ng Encantadia Chronicles: Sang'gre na "The Sang'gre Experience" noong July 20 sa Gateway 2, Quantum Skyview, Araneta City.
Malakas na hiyawan ang sumalubong kay Shuvee nang tawagin na sa stage at ipakilala ang kanyang karakter na si Veshdita. Kitang-kita ang tuwa at pagka-overwhelm ng aktres sa natanggap na suporta.
Sinuklian naman ni Shuvee ng isang malakas na pagbati ang kanyang mga tagahanga.
"Magandang araw po sa lahat ng nandito ngayon sa Gateway. Hello everybody. Kami po ang mga taga mundo ng Encantadia, from Mine-a-ve," pagbati ng aktres.
"Maraming salamat sa lahat po ng pumunta, especially sa pangkat Shuvee. Maraming-maraming salamat. I love you all."
Subaybayan si Shuvee bilang Veshdita, ang isa sa pinaka dalubhasang kawal ni General Olgana, sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
TINGNAN ANG MGA NAGANAP SA 'THE SANG'GRE EXPERIENCE' SA GALLERY NA ITO: