
Simula nang lumabas si Shuvee Etrata mula sa Pinoy Big Brother house, sunod-sunod na ang kaniyang guestings at projects, at ngayon, mas lalo pa siyang naging in-demand.
Sa isang nakatutuwang post sa X, nagkaroon ng biruan at interaksyon ang accounts ng tatlong shows na Unang Hirit, It's Showtime, at Pinas Sarap, matapos umani ng atensyon ang guesting ng ex-PBB housemate sa kani-kanilang programa.
Unang nag-post ang Unang Hirit at sinabi na "Sa 'Unang Hirit' muna si muse reporter Shuvee bukas ha, @itsShowtimeNa. Thanks."
Nag-reply naman ang It's Showtime ng "Salamat at naka pinned post pa ito haaaaa nagreply na ko sa blue app, tnx tnx."
Sa Unang Hirit muna si muse reporter Shuvee bukas ha, @itsShowtimeNa. Thanks 🥰🤭💛 #UnangHirit
-- Unang Hirit (@UnangHirit) July 16, 2025
Dinala ng tatlong show ang kanilang nakatutuwang interaskyon sa Facebook at doon nagkomento sa isa't isa.
"Nugagawen q una ka nang humirit kay Shuvee," sabi ng noontime show na may kasamang meme picture ni Vice Ganda.
Nag-komento din ang Pinas Sarap sa post at hindi nagpatalo angkinin si Shuvee at sinabi na "ANONG KAGULUHAN ITO?! Basta sa amin si Shuvee sa Sabado ha!"
Umani ng maraming reaksyon at tawa ang comment ng It's Showtime at Pinas Sarap sa Facebook ng Unang Hirit.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng fans ni Shuvee:
Paglabas ng Bahay ni Kuya, unang naging guest si Shuvee sa Unang Hirit kasama ang kanyang ka-duo na si Klarisse De Guzman.
Matapos nito, nagulat ang madlang people nang maging surprise guest hosts ang dalawa sa It's Showtime. Ito din ay lalabas sa Pinas Sarap dahil naging instant fan din ni Shuvee ang host na si Kara David simula noong pumasok ito sa loob ng Bahay ni Kuya.
SAMANTALA, TINGNAN DITO ANG GRAND HOMECOMING NI SHUVEE ETRATA SA UNANG HIRIT: