
Tulad ng ilang ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, winner din ang Sparkle star na si Shuvee Etrata sa 7th VP Choice Awards.
Si Shuvee ay kinilala ng Village Pipol Magazine bilang fifth placer sa female category para PIPOL's Sexiest of the Year award.
Related gallery: The stunning looks of #IslandGirl Shuvee Etrata
Si Shuvee ay kilala ngayon bilang Nation's Darling at kasalukuyang abala sa kabi-kabilang proyekto sa Philippine entertainment industry.
Isa siya sa mga aktor na mapapanood sa Huwag Kang Titingin, ang horror film na co-produced ng GMA Pictures at Mentorque Productions Inc..
Makakasama niya rito ang kanyang suitor at fellow Sparkle star na si Anthony Constantino.
Parte rin ng pelikula ang Pinoy Big Brother ex-housemates na sina Charlie Fleming, Josh Ford, Michael Sager, at Kira Balinger.
Samantala, bukod pa sa horror film, abala rin si Shuvee sa pagiging endorser ng maraming brands at iba pang malalaking projects bilang isa sa most sought-after celebrities ngayon sa bansa.
Matatandaan na siya ang isa sa mga sinubaybayan ng viewers bilang housemate sa previous collaboration ng GMA at ABS-CBN na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Nakilala si Shuvee sa reality competition bilang Island Ate ng Cebu at ang kanyang naging final duo bago lumabas sa Bahay ni Kuya ay ang Nation's Mowm na si Klarisse De Guzman.