GMA Logo Shuvee Etrata and Ashley Ortega
Photo by: Vice Ganda YouTube channel
Celebrity Life

Shuvee Etrata recalls struggles living alone in Manila, thankful for Ashley Ortega's support

By Aimee Anoc
Published July 27, 2025 5:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Shuvee Etrata and Ashley Ortega


Naging emosyonal si Shuvee Etrata nang balikan ang hirap na pinagdaanan nang pumunta sa Manila para mag-artista at kinakailangan ding mag-provide para sa pamilya.

Hindi napigilang maging emosyonal ni Shuvee Etrata nang alalahanin ang pinagdaanan noong bago pa lamang siya sa Manila para sa kanyang pangarap na mag-artista.

Tubong Bantayan Island sa Cebu si Shuvee at panganay sa siyam na magkakapatid. Noong 2023, pinasok niya ang showbiz at nakipagsapalaran sa Manila nang mag-isa.

Ayon kay Shuvee, naging motibasyon niya para galingan sa showbiz ang kanyang mga kapatid, ang kanyang pamilya--na pangarap niyang mabigyan nang maayos na buhay at sariling bahay.

Pero hindi naging madali ang lahat para kay Shuvee lalo na sa unang taon niya sa Manila kung saan aminado siyang nagkaroon ng mental health issue.

"Nagkaroon ako ng mental health issue, 'yun 'yung I was living alone. 'Yun 'yung struggle ko nu'ng una. Yes pinili ko siya. It was my decision, pero ang consequence nun, it was me having a hard time," pagbabahagi ng aktres sa naging kuwentuhan nila ng Unkabogable Star na si Vice Ganda.

"I've had, 'Gusto ko na lang talagang mawala na.' Kasi wala ng laman 'yung bangko ko. Ano pang maibibigay ko. Five hundred nga lang hindi ko mabigay. 'Yung hirap ko talaga noong unang year ko, 'yon yung mga dinanas ko po," dagdag ng aktres.

Pero sa kabila ng hirap, nagpapasalamat si Shuvee na naririyan si Ashley Ortega para sa kanya na, aniya, nakatulong sa kanya mentally. Naging magkaibigan sina Shuvee at Ashley nang magkatrabaho sa Hearts On Ice, ang unang acting project ni Shuvee sa GMA.

"Nu'ng dumating ka actually bebe (Ashley), 'yun 'yung time na tinulungan mo talaga ako mentally, kasi pa-give up na talaga ako nu'n. Tapos nu'ng dumating siya, ay kaya ko naman pala," sabi ni Shuvee kay Ashley.

"Kaya ko naman kumain sa kanya tapos bigay ko 'yung sweldo ko sa pamilya ko," pabirong dagdag ng Sang'gre actress.

"She (Ashley) made me a better person po talaga. Kinaya ko ang buhay rito sa Manila because of her. If it weren't for her baka bumalik lang ako sa isla," sabi ni Shuvee kay Vice.

MAS KILALANIN SI SHUVEE ETRATA SA GALLERY NA ITO: