
Sa muling pagbubukas ng Bahay Ni Kuya, sinariwa ni Shuvee Etrata ang naging journey niya noon sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Mababasa sa Instagram account ni Shuvee ang kanyang heartfelt post, kung saan inilarawan niya ang experiences niya noong bilang housemate.
Sulat niya, “Ang bilis ng mga pangyayari! Parang natulog lang ako tapos pag gising ko, PBB Collab 2.0 na. PBB wasn't just a show for me- it was a journey of self-discovery, courage, and heart. Inside the house, I learned how to be strong even when the world is watching, how to be king even when it's hard, and how to stay true to myself even when everything felt uncertain…”
Inilahad din ng Sparkle actress ang ilan sa kanyang paboritong moments sa Bahay Ni Kuya.
“Every task, every challenge, every tear and laughter built me into who I am today. Paborito ko nga 'yung intensity challenge…”
Ayon pa kay Shuvee, marami siyang naiuwing mahahalagang lessons mula sa paninirahan niya sa iconic house.
Sabi niya, “PBB taught me that dreams do come true, but only if you dare to believe in them and in yourself. As in guys super.”
Sa huling parte ng kanyang post, nag-iwan siya ng mensahe para sa bagong housemates, “Kaya goodluck to the new housemates! Suportahan natin silang lahat. Nakaka-excite.”
Nakilala si Shuee Etrata noon sa reality show bilang Island Ate ng Cebu. Ang naging final duo niya ay ang Star Magic artist na si Klarisse De Guzman.
Kilala rin ngayon si Shuvee bilang Nation's Darling at kasalukuyang abala sa kabi-kabilang proyekto sa Philippine entertainment industry.
Related gallery: The stunning looks of #IslandGirl Shuvee Etrata