
Masayang inalala nina Shuvee Etrata, River Joseph, at Esnyr, ang isa sa mga hindi nila malilimutang moment sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Related gallery: Kapuso, Kapamilya housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
Sa TikTok account ni Shuvee na sa kasalukuyan ay mayroon nang 4.3 million followers, mapapanood ang latest video niya kasama sina River at Esnyr.
Ni-recreate ng ex-housemates ang isang eksena noon sa iconic house, kung saan naatasan ni Kuya si Shuvee na inisin si River hanggang sa maubos ang pasensya nito sa kanya.
Naging kasabwat dito ang iba pang housemates at nagtagumpay sila sa kanilang task lalo na't buong loob noon na ipinagtanggol ni River ang itinuturing niya kapatid sa loob ng Bahay Ni Kuya na si Xyriel Manabat.
Sa viral video, mapapanood na si Esnyr ang gumanap bilang si Xyriel at labis na kinaaliwan ang funny acting skills niya habang kunwaring nagtatalo at ganap na ganap sa pag-recreate ng naturang scene sina Shuvee at River.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 3.5 million views ang video nina Shuvee, River, at Esnyr.
@shuveeeetrata Shuvee, STOP! 😡@Esnyr @River ♬ original sound - ABS-CBN
Samantala, ang Sparkle star na si Shuvee ay nakilala sa hit teleserye ng totoong buhay ng mga sikat bilang Island Ate ng Cebu.
Ang Star Magic artists na sina River at Esnyr ay ang tinaguriang Sporty Business Bro ng Muntinlupa, at Son-sational Viral Beshie ng Davao del Sur.
Related gallery: Kapuso housemates sa grand Sparkle x PBB Grand Mediacon