GMA Logo Shuvee Etrata dream house
Photo by: Vice Ganda YouTube channel
Celebrity Life

Shuvee Etrata sa kanyang dream house: 'May sariling kuwarto ang mga kapatid ko'

By Aimee Anoc
Published July 27, 2025 2:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Shuvee Etrata dream house


Pangarap ni Shuvee Etrata na maibigay sa kanyang mga kapatid ang "deserve" nilang buhay--ang magkaroon ng bahay na masasabi nilang kanila.

Sa pagbisita ni Vice Ganda sa kanilang condo ni Ashley Ortega, ikinuwento ni Shuvee Etrata kung ano nga ba ang kanyang dream house.

Si Shuvee ay tubong Bantayan Island sa Cebu. Siya ang panganay sa siyam na magkakapatid. Bago pasukin ang showbiz noong 2023, nagsimula siya bilang isang content creator.

Ayon kay Shuvee, "never" silang nagkaroon ng sariling bahay ang kanyang pamilya. Kaya naman sa kanyang dream house gusto niyang may sariling kuwarto ang kanyang mga kapatid.

"Never po kaming nagkaroon... palaging bahay ng lola ko, kung saan-saan kami, palipat-lipat po kami. Ngayon na kaya ko na po 'yon, 'yung dream house na 'yon na naka-print na po talaga 'yon na may sariling kuwarto na po 'yung mga kapatid ko," kuwento ni Shuvee kay Vice.

Matatandaan na inanunsyo ni Shuvee sa naganap na Sparkle x PBB Grand Mediacon na malapit nang mapatayo ang kanyang dream house.

"My siblings po gusto kong ibigay sa kanila 'yung buhay na deserve nila. 'Yun 'yung fire ko para mas galingan. Bigyan lang po sila ng bahay na puwede nilang sabihin na sa kanila," dagdag ng aktres.

MAS KILALANIN SI SHUVEE ETRATA SA GALLERY NA ITO: