
Amazing episode ang ating aabangan sa Amazing Earth dahil makakasama ni Dingdong Dantes ang Sparkle 10 star na si Shuvee Etrata.
Sa May 10, sasabak si Shuvee sa isang outdoor cooking challenge. Gagawa siya ng Cebuano specialty na Binignit.
PHOTO SOURCE: Amazing Earth
Mapapanood din sa Amazing Earth ang thrilling Sailboat Race from Subic to Boracay. Ibabahagi ng Subic Sailing Club executive director na si Zed Avecilla ang mga naranasang pagsubok sa 40 hours straight na pagbiyahe gamit ang sailboat.
Saksihan din natin ang mga amazing na mga kuwento ng Kapuso Primetime King sa wildlife series na Babies Diary.
Tutukan ang lahat ng ito sa Amazing Earth ngayong Biyernes (May 10), 9:35 pm sa GMA Network at Pinoy Hits.
Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.