
Emosyonal ang Sparkle star na si Shuvee Etrata dahil nakasama siya sa isa sa much-awaited entry sa Metro Manila Film Festival na Call Me Mother na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Nadine Lustre.
Nasa kalagitnaan ngayon ng promotion si Shuvee ng pelikula at sa isang Instagram post, nagpasalamat ang Kapuso actress kay Meme Vice sa pagkakataon na mapabilang sa movie nito.
Sabi ni Shuvee sa Instagram. “Nasa MMFF na kami🥺🥺🥺.”
Sumunod niyang sinabi, “Thank you so much meme @praybeytbenjamin for this opportunity. Salamat sa paniniwala mo sa amin at sa pagbigay sa amin ng pagkakataon magkasama sa isang pelikula. We love you soooo much!
“Napanuod niyo po ba ang trailer ng Call me Mother?”
Makakasama rin ni Shuvee sa MMFF entry ang mga kapwa housemate niya na sina Mika Salamanca, Brent Manalo, Klarisse De Guzman, at Esnyr.
Nagreact din sina Brent at Klarisse sa 'thank you post' ni Shuvee sa Instagram post ng kanilang kaibigan.
Sabi pa ng Kapamilya heartthrob na si Brent na proud siya sa milestone na ito ng aktres.
INSET: Shuv Inside
IAT: Shuvee Etrata on Call Me Mother xx Source: shuveeetrata (IG)
Bukod sa Call Me Mother, bibida rin sa GMA Pictures horror flick na Huwag Kang Titingin sina Shuvee at ilang pang Sparkle stars tulad nina Charlie Fleming, Michael Sager, Josh Ford, Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco Masa, Sean Lucas, at Anthony Constantino,
RELATED CONTENT: Shuvee Etrata pens emotional message of gratitude to fans