
Hindi naiwasang mag-fangirl ni Sparkle actress Shuvee Etrata nang makama sa set ng Hearts On Ice ang two-time Winter Olympian na si Michael Martinez.
Kitang kita ang kilig ng aktres sa isang TikTok video kung saan kasama niyang kumanta ng "Love Is an Open Door" si Michael.
"Sulat niya,"I'm sooo kinikilig. Michael Martinez for Hearts On Ice."
@shuveeeetrata Im sooo kinikilig🥺 Michael Martinez for #HeartsonIce ♬ original sound - ➵ | audios ׂׂૢ་༘࿐
Magkakaroon ng espesyal na partisipasyon si Michael sa Hearts On Ice kung saan ipapamalas niya sa kauna-unahang pagkakataon sa isang serye ang husay at talento sa figure skating.
Nagsimula ang taping ni Michael para sa serye noong March 9 kung saan agad na nagpamalas ito ng iba't ibang figure skating moves.
Napapanood naman si Shuvee bilang Kring Kring, isa sa supportive figure skater friends ni Ponggay (Ashley Ortega).
Abangan sina Shuvee at Michael sa Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m sa GMA Telebabad.
TINGNAN ANG HOTTEST PHOTOS NI SHUVEE ETRATA SA GALLERY NA ITO: