What's Hot

Si Agimat at Si Enteng Kabisote, nagsanib pwersa!

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated July 3, 2020 11:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Anton Vinzon reacts to fan ship with Carmelle Collado
Young students showcase math skills in Mangaldan
Marian Rivera's Italian designer bag completes her pink outfit

Article Inside Page


Showbiz News



Ano nga ba ang dapat nating abangan sa bigating MMFF entry na ito?
Marami ang nagsasabi na magiging number one sa takilya ang ‘Si Agimat at Si Enteng Kabisote’ sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF). Dahil na rin siguro ito sa naglalakihang mga stars na bumubuo ng pelikula, na pinangungunahan na nina Sen. Bong Revilla Jr. at Bossing Vic Sotto. Ano nga ba ang dapat nating abangan sa bigating MMFF entry na ito? Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Enie Reyes stars Isa ang Si Agimat at Si Enteng Kabisote sa mga pelikulang inaabangan in this year’s MMFF. Dalawang higanteng pangalan sa showbiz ang nagsama para bigyan ng kasiyahan ang mga manonood ngayong Pasko, sina Sen. Bong Revilla at ace comedian Vic Sotto. Ang dating magkaribal sa sa pagiging number one sa box office, nagsanib pwersa para sa 36th MMFF. Paano nga ba nangyari ang tambalan na ito? “Tuwing magkikita kami ni Bong palaging bukang bibig namin na sige gawa tayo, pero hanggang dun lang, chika chika lang until finally last year after ng showing ng Panday at Darling Kong Aswang tinawagan ko siya at kinongratulate ko siya sa box office hit. Tinanong ko ulit siya ‘Ano sunod tayong dalawa naman sama tayo?’ Right there and then halos nabuo na kaagad yung proyekto,” ang kuwento sa amin ni Bossing. Sinegundahan naman ito ng batang senador. “Dream come true na magsama kami dahil matagal ng pinaplano ito pero ngayon lang natuloy.” Kamusta naman ang naging resulta ng kanilang unang pagsasama? “Dati nga ang pagkakaibigan namin ni Bong, yung kaibigan showbiz lang, pareho kami ng gusto na mangyari sa industriya natin pero wala kaming pagkakataon na magkatulungan talaga so ito yung first time na nagka-team up kami. Nagkatulungan kami, nagpapalitan kami ng kuro-kuro o idea tungkol sa magiging kinabukasan ng industriya,” ang paliwanag ni Bossing. “Ngayon iba na yung level ng samahan namin. Nagkakilanlan na kami pareho eh, dati batian lang, ngayong mas kilala niya kung sino si Bong at mas kilala ko rin yung tunay na Vic,” dagdag naman ni Sen. Bong.. Sabi pa ni Bossing “noong nakaraan taon na nagkatapat yung mga pelikula namin. Small friendly competition, iisa lang naman yung gusto namin mangyari eh, maging matagumpay ang festival maganda naman yung mga nagiging resulta and this time magkasama na kaming dalawa para siguraduhing bonggang bongga!” Mapapanood na ang Si Agimat at Si Enteng Kabisote starting December 25, sa mga paborito ninyong sinehan nationwide. Pag-usapan ang unang pagsasama ni Sen. Bong Revilla Jr. at Bossing Vic Sotto sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Panoorin ang ilang scenes ng pelikula by clicking on the following links: Si Agimat at Si Enteng Kabisote teaser 1 Si Agimat at Si Enteng Kabisote teaser 2 Si Agimat at Si Enteng Kabisote teaser 3