
Ika nga nila, ang pagmamahal ng isang magulang ay walang kapantay.
Si Agi (Gardo Versoza) ay isang single dad na pinapangarap makapagtapos ang kaniyang anak sa kolehiyo at maging isang ganap na inhinyero.
Sa kasamaang palad, nahihirapan si Agi na makahanap ng bagong trabaho kaya tuluy-tuloy ang paglaki ang kaniyang utang. Dahil dito, naubos na ang pasensya na ang kanyang kapatid na si Baby (Mosang), isang makeup artist sa isang Funeral Parlor.
Payo ni Baby kay Agi ay humingi siya ng tulong sa kanilang pinsan na si Monching na nagtatrabaho bilang security guard sa isang mayamang single mom na si Mrs. Chang.
Ang trabaho na nakalaan sa bahay ni Mrs. Chang ay alagaan ang kanyang seven-year-old na anak, si JP.
Kilala si JP bilang isang pilyong bata na halos lahat ng kanyang yaya ay umuuwing luhaan.
Nang malaman ni Agi na malaki ang sweldong matatanggap niya, agad-agad siyang nag-apply para sa trabaho. Ngunit, gusto ni Mrs. Chang ay isang yaya at hindi bodyguard.
Sa tulong ng kanyang kapatid, magpapalit anyo si Agi bilang si “Luningning” ang awkward-looking nanny ni JP. Tinanggap naman ni Mrs. Chang si Agi sa pag-aakalang isa itong ganap na babae.
Makakaipon kaya si Agi para sa kanyang anak? Paano kaya kung malaman ni Mrs. Chang ang tunay niyang kasarian? Ano kaya ang rason kung bakit pilyo si JP?
Alamin ang lahat nang 'yan sa kuwentuwaang magaganap sa Dear Uge Presents kasama sina Gardo Versoza, Kelvin Miranda, at Mosang ngayong Linggo, April 11, dito lang sa GMA!
Tingnan ang magaganap sa gallery na ito: