What's Hot

Si Heo Jun ang protektor ng prinsesa sa 'Mirror of the Witch'

By Marah Ruiz
Published July 17, 2017 11:58 AM PHT
Updated July 17, 2017 1:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DongYan, Barbie Forteza, more Kapuso stars and celebs ring in Christmas
Man nabbed for alleged illegal sale of firecrackers in Zamboanga City
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Ang Korean actor na si Yoon Shi-yoon ang gaganap bilang Heo Jun. Nakilala siya noong ng mga Pinoy bilang si Tak Gu ng hit Korean series na 'The Baker King.' 

 

Matalino at nabiyayaan ng iba't ibang talento si Heo Jun, limitado lang ang maaari niyang maabot sa buhay dahil anak siya ng isang alipin. 

Dahil dito, layunin niyang makalikom ng pera para bilhin ang kalayaan niya at ng kanyang ina. Kung ano anong pinapasok niya—mula sa pagtitinda ng mga pampaganda hanggang sa pakikipagkarera—para lang makakuha ng pera.

Kapalit ng malaking halaga ng pera, hahamunin siya ng kanyang kapatid na si Heo Ok na pumasok sa isinumpang kagubatan para kunin ang misteryosong saranggolang madalas makita rito. 

Matatagpuan ni Heo Jun sa kagubatan ang isang munting bahay na nababalutan ng mga talisman. Sa loob nito, makikilala niya si Yeon Hee, isang isinumpa na mahigpit na binilinan na manatili lang sa loob ng bahay na ito. 

Hindi niya alam na may taglay pala siyang isang bagay na maaaring makatulong sa prinsesa. Ito ang simula ng kanyang pakikipagsapalaran!

Ang Korean actor na si Yoon Shi-yoon ang gaganap bilang Heo Jun. Nakilala siya noong ng mga Pinoy bilang si Tak Gu ng hit Korean series na The Baker King. 

Abangan kung paano tutulungan ni Heo Jun ang isinumpang prinsesa sa Mirror of the Witch, simula July 24 na sa Heart of Asia, GMA!