
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.
Sa June 15 (Lunes) episode nito, alam na ni Alena (Gabbi Garcia) ang namagitan kina Amihan (Kylie Padilla) at Ybarro (Ruru Madrid) kaya't lalayo ang loob niya sa dalawa.
Laking gulat na lang ni Alena nang malaman niyang nagdadalang-diwata siya sa kanilang magiging anak ni Ybarro. Isisilang ni Alena ang kaniyang anak nang mag-isa na pinangalanan niyang Kahlil at binasbasan niya ito ng kapangyarihan upang maipagtanggol ang sarili.
Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video below:
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.