Article Inside Page
Showbiz News
Sa bilis ng mga pangyayari sa 'Ngayon at Kailanman', meron ding isang bagay na hindi matitinag. Ito ang paniniwala ni Luding sa tunay na pagmamahal.
Sa bilis ng mga pangyayari sa Ngayon at Kailanman, mayroon din naman isang bagay sa show na hindi matitinag. Ito ang walang humpay na paniniwala ni Luding sa tunay na pagmamahal. Text by Erick Mataverde. Photo by Mitch S. Mauricio.

Mel Kimura is no stranger to twists and turns sa istorya ng isang show. Isa siya sa mga madalas na makikita natin na inihahanay sa mga popular na shows ng Kapuso network tulad ng prime time hits na
Ako si Kim Samsoon at
Marimar.
This time naman Mel weaves her magic sa set ng
Ngayon at Kailanman as Ate Luding, the loyal and trustworthy companion ni Ayra Noche, played by Heart Evangelista.
Pero para kay Mel, her character has more dimensions to it. "Ako ang presidente ng love team ni Ayra at Edwin (JC de Vera)," she explained. "So ako yung maka-Edwin kasi sobra kong gusto si Edwin [para] kay Ayra, tapos sobra ko namang love kasi si Ayra."
"Mayroon nga ditong stuffed toy, ‘yung ibinigay kunyari ni Edwin kay Ayra, tapos 'Alwin' ang pangalan nun," Mel recounted. "Doon sa script, ang ibig sabihin nun "Ayra loves Edwin". Sabi ko, 'Sorry hindi ‘yan totoo, kasi ang Alwin – Ayra, Luding and Edwin!'. (laughs)
"Kasi sa sobrang gusto ko silang dalawa talaga. Gusto ko talaga sila for life. Pero, sa totoong buhay, gusto ko rin sila, promise! Lagi ko ngang tinutukso sila. Bagay sila…shhhhh!"
Ngunit hindi lang ‘yun ang angulo ng character ni Luding, kaya kinamusta namin ang mga eksena niya sa kusina kung saan natin siya makikitang nagluluto.
"Masarap! Walang halong advertisement. Kinakain kasi namin eh. Ako for one, siyempre ako ‘yung nakasalang doon 'di ba? ‘Yung parang puwede akong sampalin ng kahit sino dyan, at sabihin, 'Hoy ha! Hindi totoo ‘yang sinasabi mo!', she stated. "Ayaw ko naman yata nang ganoon. So yung mga niluluto ko tinitikman ko. So na-amazed ako dun. Kaya antayin naman natin ‘yung iba kong lulutuin.”
At nang pansinin namin na ang kadalasan niyang ka-eksena ay si Dion Ignacio, sa papel na kaibigan ni Edwin na si Dags de Leon, may kuwento pala sa likod nito: "Si Dion? Ang lagi kong pinapatikim? Nagiging lokohan na nga ‘yun sa set eh. Minsan pagka may scene kami ni Dion, tapos na ang eksena hindi pa kuma-cut si Direk tapos, may magsasabi, "Dion, lapit kay Luding. O, akbayan mo si Luding." [Noong] first time ginawa ni Direk ‘yun, okey lang, pero after, hinampas ko na!"
Pagusapan si Mel at ang mga tagpo sa Ngayon at Kailanman. Mag-log on na sa mas pinagandang iGMAForums! Not yet a member? Register here!