What's Hot

Si Willie mismo ang bumili ng kotse na ipapamigay sa 'Wowowin'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 6, 2020 1:18 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Suansing: P10-billion budget hike for House for members’ personnel, office needs
Family seeks justice after child killed in Dagupan explosion
P-pop boy group VXON announces first concert

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin ang iba pang pwedeng mapanalunan sa show. 
By MARAH RUIZ
 
Bukas na mapapanood ang isa sa mga pinakaaabangang game show ngayong taon, ang Wowowin.
 
Ayon sa host nitong si Willie Revillame, handang-handa na ang lahat. 
 
"Hindi lang pinaghandaan, ito ay talagang pinaghirapan ng aming staff, ng lahat! Even GMA Family talagang sumuporta," bahagi niya sa 24 Oras anchors na sina Mel Tiangco at Vicky Morales. 

READ: Willie, naka-one-on-one si Mike Enriquez
 
Sa buong tana ng career niya, nakaikot na din si Willie sa mga major TV networks ng Pilipinas. Ano naman kaya ang mga natutunan niya mula dito?
 
"Marami akong natutunan sa buhay. Una sa lahat, dapat relaxed ka eh, hindi nai-stress," sagot nito. "Dati pinuproblema ko pa yung sabon ng toilet, toilet paper."
 
Ang tinutukoy ng controversial TV host ay ang sobrang pagka-hands on niya sa programa noon. Aminado din siya na kung minsan ay nadadala niya ang mga problema pati sa harap ng camera.

WATCH: 'Wowowin,' ngayong Linggo na!
 
"Ngayon naka designate na po lahat 'yan," ani Willie na may buong tiwala sa kanyang staff. 

Naikwento rin ni Willie na siya mismo ang bumili ng sasakyan na ipapamigay sa kaniyang bagong show. "Ako mismo ang bumili. Binili ko cash para makuha ko lang, para mapasaya ko ang mga kababayan at Kapuson natin."
 
Narito ang buong panayam ni Willie sa 24 oras:
  


Samantala, mapapanood na bukas ang kapanapanabik na Wowowin! Abangan ito bukas, May 10, pagkatapos ng Sunday All Stars, sa GMA!