
Sa kanyang?? ika-labingpitong kaarawan, mararamdaman na ang buong kapangyarihan ng sumpang ipinataw kay Yeon Hee.
Ito pala ang dahilan kung bakit mahigpit siyang pinagbibilinan ng kinikilala niyang amang si Hyun Seo na huwag lumabas sa munti niyang tahanan sa gitna ng kagubatan.
Si Yeon Hee kasi ang kakambal ni Prinsipe Soonhwe, ang tagapagmana ng kaharian. Isinilang sila sa pamamagitan ng itim na mahika ng makapangyarihang shaman na si Hong Joo, kaya kakabit ng kanilang mga buhay ang sumpa. Nakatakda silang mamatay pagdating ng kanilang ika-labingpitong kaarawan.
Para mabuhay ang prinsipe, ililipat ang sumpa sa prinsesa at papatawan ito ng kamatayan. Pero dahil may mabuting loob si Hyun Seo, itatakas niya ang sanggol at itatago ito sa kagubatan.
Ngayong nabuhay na muli ang sumpa, tutugisin ni Hong Joo si Yeon Hee para tapusin ang sinimulan nito labingpitong taon na ang nakalipas.
Makahanap kaya si Yeon Hee ng paraan para mawala ang sumpa at makatakas mula sa mga maiitim na balak ni Hong Joo?
Ang Korean teen actress na si Kim Sae-ron ang gumaganap bilang Yeon Hee. Nakuha niya ang Best New Actress award noong 9th Korea Drama Awards para sa role. Bukod dito, minsan na rin siyang napanood ng mga Kapuso sa teen fantasy romance series na ??Hi! School Love On.
Abangan kung paano babaguhin ni Yeon Hee ang kanyang tadhana sa Mirror of the Witch, simula July 24 sa Heart of Asia, GMA.