
Sa nakaraang episode ng Signal, nalaman ng cold case squad na mayroong hindi naimbestigahan noon tungkol sa Inju case at ito ay ang red scarf na pagmamay-ari ni Hazel.
Sa pag-uusap nina Nathan Park (Lee Je-hoon) at Mia Cha (Kim Hye-soo) sa ospital, sinabi ng una sa huli na hindi nagpakamatay ang kanyang nakatatandang kapatid na si Ethan noon dahil mayroong nagpainom ng sedative rito upang magmukha itong nag-suicide.
Matapos ito, tinanong naman ni Mia kay Nathan kung bakit nasa kanya ang walkie-talkie ni Detective Robert Lee (Cho Jin-woong).
Inilahad ng criminal profiler na nakakausap niya si Robert gamit ang walkie-talkie para maresolba ang iba't ibang cold cases at hindi makapaniwala si Mia tungkol sa rebelasyong ito.
Labis na nagulat si Mia nang biglang tumunog ang walkie-talkie na hawak niya at narinig ang boses ng kanyang dating mentor.
Abangan ang kapanapanabik na mga tagpo sa Signal tuwing Sabado sa oras na 12:00 noon sa GTV.
Patuloy na subaybayan ang Signal at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!
ara naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.