
Kasabay ng pagdiriwang ng buwan ng mga kababaihan ngayong Marso, tampok sa segment ng Eat Bulaga na “Bawal Judgmental” ang ilan sa mga kilalang babaeng piloto sa bansa.
Isa sa choices sa nasabing segment ay ang licensed commercial pilot na si Chezka Carandang na makailang ulit na ring naging guest sa ilang TV shows.
Kuwento ni Chezka, mahigit sa pitong taon na siyang piloto, pero ayon sa kaniya, minsan niya ring pinangarap ang pag-aartista bago ang maging piloto.
“Ikaw first choice mo talaga ang maging pilot?” tanong ng guest dabarkads host na si Bianca Umali kay Chezka.
“Initially hindi, kasi gusto kong maging kagaya niyo, artista,” sagot naman nito.
Ayon kay Chezka, ninais niyang maging artista noon dahil gusto ring magpasaya at maka-inspire ng mga tao.
“Nakaka-inspire kasi parang like nilu-look up to kayo ng people and ina-admire ko 'yung talent niyo and 'yung skills niyo na sine-share niyo sa iba and ang dami niyo talagang na-inspire,” aniya.
“E, ngayon naman ikaw talaga ang nilu-look up [sa ere],” biro naman ng host na si Paolo Ballesteros.
“Ang galing mo do'n friend,” natatawang sinabi ni Bianca.
Si Chezka ay may longtime girlfriend din na si Clare Inso na kabilang sa Top five ng segment na “Bida Next.”
Samantala, tumutok sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12 p.m.; at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.
KILALANIN NAMAN ANG MGA CELEBRITY NA LISENSIYADONG PILOTO SA GALLERY NA ITO: