GMA Logo Silent Sanctuary
Photo source: Silent Sanctuary
What's Hot

Silent Sanctuary's 'Gabi ng Lambing' concert, magkakaroon ng Reverse Day 2 sa October 24

By Aimee Anoc
Published July 14, 2026 12:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

WALANG PASOK: Class suspensions for Tuesday, July 14, 2026
American killed inside home in Sibulan, NegOr; companion hurt
Miss International and Miss Globe winners to attend Binibining Pilipinas finals

Article Inside Page


Showbiz News

Silent Sanctuary


Dahil sa malaking demand ng gustong makapanood ng kanilang unang major solo concert, magkakaroon ng Reverse Day 2 ang Silent Sanctuary para sa kanilang "Gabi ng Lambing" concert.

Sa loob ng 24 taon sa music industry, nananatili ang pagmamahal at suporta ng fans para sa OPM band na Silent Sanctuary.

Patunay rito ang kanilang unang major solo concert na "Gabi ng Lambing" na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena sa October 25, na agad na na-sold out sa loob lamang ng limang oras.

Dahil sa malaking demand ng gustong makapanood ng kanilang concert, magkakaroon ang Silent Sanctuary ng Reverse Day 2 para sa "Gabi ng Lambing," na mauuna ng isang gabi mula sa orihinal na sold-out October 25 concert. Magaganap ang "Gabi ng Lambing" Reverse Day 2 sa October 24 sa SM Mall of Asia Arena.

"Maraming salamat talaga sa Diyos dahil talagang hindi namin ini-expect," sabi ng vocalist at guitarist na si Raymund "Sarkie" Sarangay. "Sa sobrang dami ng demand nung gustong manood talaga, kasi noong first day kasi umabot yata sa 100,000 'yung queuing ng online ticket selling, gustong-gusto talaga nilang manood, so magkakaroon po tayo ng Day 2 pero reverse siya.

"Initially, October 25 dapat kasi, 'yun lang naman talaga 'yung gusto namin. Hindi namin ini-expect talaga na lalaki 'yung demand. So magkakaroon kami ng [October] 25 and 24. Mauuna 'yung Day 2 bago mag-Day 1, pero same venue pa rin.

Ayon kay Sarkie, iibahin nila ang magaganap sa Reverse Day 2. Aniya, "Iba talaga 'yung mangyayari sa 25. Kasi inisip din namin 'yon na parang unfair din sa mga nakipag-agawan ng tickets sa Day 1. Ime-make sure din namin na special din 'yung Day 1 na iyayabang nila doon sa Day 2 na mauunang manood."

Magsisimula ang ticket selling para sa "Gabi ng Lambing" Reverse Day 2 sa July 18 ng 12:00 p.m. via SM Tickets outlets nationwide at online sa https://www.smtickets.com/tickets/GabiNgLambing.

Related content: OPM Con Generations 2026 brings together the biggest names in Filipino music