
Gustong maka-collaborate ng Silent Sanctuary member na si Poch Villalon ang P-pop artists mula sa P-pop Kings SB19, Nation's Girl Group BINI, at rising P-pop girl group na KAIA.
Sa naganap na media conference ng Silent Sanctuary para sa kanilang "Gabi ng Lambing" concert, tinanong ng press ang OPM band kung sinong younger artists ang gusto nilang maka-collaborate.
Para sa vocalist at guitarist na si Raymund "Sarkie" Sarangay, gusto niyang maka-collaborate ang Pinoy rock band na IV of Spades.
Dagdag ni Poch, bukas ang Silent Sanctuary na makipag-collaborate kahit kaninong artists. Pero, aniya, personally ay gusto niyang maka-collaborate ng P-pop artists mula sa SB19, BINI, at KAIA.
"Gusto ko sana 'yung mga nasa P-pop na generation and musicians kasi I heard na some of them kasi they write their own songs. Unlike other artists sa ibang bansa na they have songwriters, at least ito magiging talagang collaborative effort siya. And I think, it could be magandang combination not just for OPM, but for music in general," sabi niya.
Samantala, nagdagdag ang Silent Sanctuary ng Reverse Day 2 para sa kanilang "Gabi ng Lambing" concert, na magaganap sa October 24 sa SM Mall of Asia Arena.
Magsisimula ang ticket selling para sa "Gabi ng Lambing" Reverse Day 2 sa July 18 ng 12:00 p.m. via SM Tickets outlets nationwide at online sa https://www.smtickets.com/tickets/GabiNgLambing.
RELATED GALLERY: OPM Con Generations 2026 brings together the biggest names in Filipino
music