What's Hot

Simpleni, muling eeksena sa 'Sunday PinaSaya'

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 20, 2020 1:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 1) JANUARY 19, 2026 [HD]
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Dahil sa panalo ni Vice President Leni Robredo, mukhang magtatagal pa ang impersonation ni Joierie Pacumio bilang si Simpleni.


Dahil sa panalo ni Vice President Leni Robredo, mukhang magtatagal pa ang impersonation ni Joierie Pacumio bilang si Simpleni. Sa katunayan ay muli siyang eeksena sa Sunday PinaSaya.

Unang napanood si Simpleni sa musical variety show na Live AIDS ng kanyang organisasyon sa University of the Philippines Diliman. Hinalakhakan at pinalakpakan man ang kanyang monologue, inamin ni Joierie na kinabahan siya sa pag-perform sa Kapuso Sunday comedy musical variety program.

IN PHOTOS: Introducing Joierie Pacumio as Simpleni

“’Yung unang una kong salang, talagang sobrang kinakabahan ako kasi una sa lahat ‘yung kasi propesyon nila eh, ‘di ba. Parang araw-araw nilang ginagawa sa mga palabas. Ako naman, nagkakaroon lang ako ng pagkakataon na gawin ‘to tuwing meron nga kaming palabas sa UP,” ani Joierie sa panayam ng 24 Oras.

Hindi man dito umiikot ang karera ni Joierie, may talent din siya sa scriptwriting.

Kuwento niya tungkol sa kanyang monologue, “Umikot tayo sa pagiging simple ni Ma'am Leni, hanggang sa nanganak na. So paano natin gagawing nakakatawa na hindi aabot naman sa point na babastusin natin siya kasi kagalang-galang na tao si Madam.”

Lumaki raw ang paghanga ni Joierie kay VP Robredo nang personal itong makilala nang maimbitahan siya sa isang campaign sortie bilang si Simpleni.

Pag-alala niya, “First time ko siya nakita. Naramdaman mo talaga ‘yung kababaang-loob, ‘yung pagiging grounded niya considering na ganito siya katanyag at ganito kataas ‘yung posisyon na tinatakbuhan niya.”

Video courtesy of GMA News

MORE ON SIMPLENI:

WATCH: Ang paghaharap ni Rodney Juterte at Simpleni

READ: Simpleni, nakatanggap din ng pagbati dahil sa pagkapanalo ni Vice President Leni Robredo