
Simula na ng paniningil!
Walang tigil ang paggawa ng kasamaan ng Crazy 5 at ng mga Terra. Pagkatapos ng gulo sa Nexcelsium kung saan may nasawi, imahe at negosyo pa rin ang pinagtuunan ng pansin ng pamilya. Dahil dito, makikita ni Amira ang totoong pag-uugali ni Doc Franco.
Gagawing fall guy ng Crazy 5 ang isang kasamahang janitor ni Amira. Papatunayan ni Amira na walang kasalanan ang inosenteng katrabaho.
Pero dahil dito, isasagad na ng Crazy 5 ang pagpapahirap kay Amira. Mukhang katapusan na niya ito, pero bibisitahin siya ni Maria Makiling para bigyan ng lakas para lumaban.
Sa huli, babalik sa Crazy 5 ang kasamaang ginawa nila kay Amira. May mapupuruhan kaya sa kanila?
Patuloy na subaybayan ang Makiling, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.