
Sa June 11 episode ng Bihag, makikita ni Ethan (Raphael Landicho) ang viral video ni Brylle (Jason Abalos) kaya lalong tatatak sa isip nitong buhay ang kanyang mga magulang.
Samantala, sasabihin na ni Larry (Mark Herras) kay Jessie (Max Collins) ang nalalaman niya tungkol sa posibleng kinalaman ni Reign (Sophie Albert) sa pagkawala ni Ethan.
Kasama ni Liza (Jade Lopez), susugod si Jessie sa paaralan para ipaalam sa board members, teachers, and parents ang tungkol sa krimen ni Reign.
Panoorin ang highlights ng June 11 episode ng Bihag:
Tunghayan ang Bihag, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Dragon Lady sa GMA Afternoon Prime.