
Health is wealth, ika nga nila, kung kaya importanteng mapanatili ang iyong kalusugan lalo na sa panahon ngayon. At sa tulong ng Healing Galing, ang health and wellness program na mapapanood na ngayon sa GMA, masisiguro ng bawat Pilipino na mabuti ang kanilang kalusugan.
Kasama ng host ng Healing Galing na si Dr. Edinell Calvario, Doctor of Naturopathy at founder ng Healing Galing, alamin ang iba't ibang paraan upang maging magaan ang pakiramdam at ang mga nakapagpapagaling na katangian ng mga halaman.
Sa paunang episode nito sa Kapuso Network, malalaman ng mga manonood ang tungkol sa naturopathy, ang paggamit ng mga natural na paraan upang palakasin at pagalingin ang katawan at malunasan ang karamdaman.
Ang Healing Galing ay pinarangalan bilang Best Public Service Program sa 34th Star Awards for television na iginawad ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Kinilala rin ng Philippine Movie Press Club si Dr. Calvario bilang Best Public Service Program Host sa kanilang 35th PMPC Star Awards for television noong January 28, 2023.
Mapapanood ang Healing Galing simula September 16, Sabado, 7:30 a.m. sa GMA.