GMA Logo Mitzi Josh, Naya Ambi, Gaea Mischa
Source: gmanetwork (IG)
What's on TV

Sina Mitzi Josh, Naya Ambi, at Gaea Mischa na ba ang bagong aabangan na singing trio?

By Kristian Eric Javier
Published July 23, 2026 2:00 PM PHT
Updated July 23, 2026 2:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

House prosecutors reject Robin Padilla's 'one-sided' claims in impeachment trial
PHL’s first hospital-based disability care hub for children opens in Bicol
Quezon City suspends classes on July 27 for SONA 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Mitzi Josh, Naya Ambi, Gaea Mischa


Isang bagong singing trio ang aabangan kina YuNanFea!

Mukhang may bagong singing trio na dapat abangan ang music fans! Iyan ay ang mga bida ng GMA Afternoon Prime musical series na 'Born to Shine' na sina Mitzi Josh, Naya Ambi, at Gaea Mischa.

Kamakailan lang ay bumisita si Mitzi sa isang cafe malapit sa Kamuning Road, Quezon City para makipag chikahan at kulitan sa kaniyang fans, at para na rin haranahin sila. Para sa ilang kanta, nakasama niya ang co-stars at kapwa singers na sina Naya at Gaea, na ikinatuwa ng fans.

Sa Facebook reel na pinost ni Gaea, marami ang pumuri sa ganda ng boses at blending ng trio sa rendition nila ng “For Good” mula sa stage play at pelikula na “Wicked.”

"Ganda ng cover nila, yung blending," sabi ng isang netizen.

Sabi naman ng isa pang nag-comment, "YuNanFea will always friendship as a trio."

"Gagaling nila at magaganda 🥰 'Pag tlga performer ka especially sa mga singer tlgang madadala ka sa song," sabi naman sa isa pang comment.

"Anggaling naman tlga this girls are so amazing and very talented," sabi ng isa pang netizen.

Pinuri din ng isa pang netizen ang boses nila, at inihambing ito sa boses ng Disney princesses.

BALIKAN ANG MGA NAGANAP SA 'BORN TO SHINE' MEDIA CON AT ALBUM LAUNCH SA GALLERY NA ITO:

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagsama-sama ang tatlo para umawit bilang isang trio. Kamakailan lang ay nag-post ang tatlo ng video nila na kinakanata ang “Locked Out of Heaven” ni Bruno Mars.

Komento ng isang netizen, pakiramdam niya ay nakikinig siya ng church choir dahil sa mala-anghel na boses ng tatlo.

"Ang ganda na ng boses tapos maganda pa 'yung tatlong kumakanta," sabi naman ng isa pang netizen.

Marami ring pinost ang GMA Network social media pages kung saan maririnig ang naggagandahang boses ng trio.

Kitang-kita rin ang friendship ng YuNanFea, ang pinagsama-samang pangalan ng mga karakter nila sa Born to Shine na sina Yuna, Nancy, at Alfea, sa ilang videos nila. Sa isang behind the scenes video ng kanilang taping, sinabi ni Naya na nagiging action star sila.


Panoorin sina Mitzi, Naya, at Alfea sa 'Born to Shine,' Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.