
Mapapanood na ang Singaporean drama na 'The Girl He Never Noticed' na pinagbidahan nina Marco Gumabao, Tess Pang, at Joshua Tan sa GMA Network simula August 5.
Gagampanan ni Marco ang karakter ni Eros, ang gwapong anak ng isang shipping tycoon. Dahil sa malungkot niyang childhood, wala siyang ibang hinangad kung hindi ang atensyon ng kanyang ama.
Makikilala ni Eros si Jade (Tess), na pumasok bilang kanyang personal secretary dahil kinakailangan niya ng pera. Sa gulat ni Jade, biglang nag-offer si Eros para maging fake fiance niya.
Mapanatili kaya nila ang kanilang propesyonal na "relasyon" lalo na't nagiging pamilyar si Eros kay Jade?
Base sa Wattpad story na sinulat ni Neilani Alejandrino, panoorin ang The Girl He Never Noticed, Lunes hanggang Biyernes, 9:00 am, sa GMA.