
Kabilang ang singer-actress na si Tippy Dos Santos o Stephanie Denise Esquivias Porcuna sa totoong buhay sa halos apat na libong pasado sa 2022 Bar examination na inilabas ng Supreme Court ngayong Biyernes, April 14.
Sa Instagram, agad na inulan ng pagbati ang “Dati” singer mula sa kaniyang pamilya at mga kaibigan. Idinaan din sa isang social media post ng kaniyang asawa na si Miguel Porcuna ang kaniyang mensahe para kay Tippy.
“Called it. Congratulations my love! no doubt since day one! Nowhere but up, and I am excited for what's in store for you!” saad ni Miguel sa kaniyang post.
Isinagawa ang nasabing bar exam sa labing-apat na testing center sa bansa noong November 2022.
Congratulations, Tippy!
Para sa iba pang showbiz updates, bisitahin ang GMANetwork.com.