
Isang taon matapos siyang magkaroon ng miscarriage, masayang ibinahagi ng international singer na si Jessie J na siya ay muling nagdadalang tao.
Sa isang Instagram video, ipinakita ni Jessie ang kanyang healthy pregnancy journey, mula sa positive pregnancy test result, sonogram, hanggang sa kanyang weekly baby bump videos.
“I am so happy and terrified to finally share this,” caption ni Jessie sa kanyang post.
Dagdag pa niya, “Please be gentle with me.”
Makikita rin sa nasabing video na healthy and fresh pregnant mom ang singer.
“Honestly, ya girl just wants to ugly cry in public in a catsuit eating a chocolate covered pickle with no questions asked,” ani Jessie.
Sa nasabing post, agad naman na nagbigay ng pagbati ang kapwa singer at performer ni Jessie na sina Kelly Rowland, Ellie Goulding, Rita Ora, at Kehlani.
Taong 2021 nang ibalita ni Jessie ang kanyang miscarriage na inilarawan niya bilang pinakamlungkot na sandali ng kanyang buhay.
“I also know millions of women all over the world have felt this pain and way worse. I feel connected to those of you I know and those of you I don't. It's the loneliest feeling in the world,” ani Jessie noon.
SILIPIN ANG MGA LARAWAN NG BLOOMING PREGNANT CELEBRITIES SA GALLERY NA ITO: