GMA Logo Mitzi Josh
Source: mitzijosh/IG
What's on TV

Singer na si Mitzi Josh, mapapanood sa una niyang teleserye sa 'AraBella'

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 1, 2023 4:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Easterlies to bring cloudy skies, rain over Palawan, VisMin
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Mitzi Josh


Kauna-unahang teleserye ni Mitzi Josh ang 'AraBella' kaya naman excited siyang mapanood ito ng mga tao.

Sa kauna-unahang pagkakataon, aarte ang singer na si Mitzi Josh dahil mapapanood siya sa upcoming GMA Afternoon Prime series na AraBella na pinagbibidahan nina Shayne Sava, Althea Ablan, at Camille Prats.

Gagampanan ni Mitzi ang karakter ni Aicelle, ang matalik na kaibigan ni Ara na siya ring magiging tagapagtanggol ng dalaga.

"Ako dito si Aicelle, ang matapang na best friend ni Ara. So, kasama po ako sa mga bardagulan po nila. Ako po 'yung tagapagtanggol ni Ara dito," masayang pagbabahagi ni Mitzi sa ilang GMA press sa ginanap na virtual mediacon ng programa.

Dagdag ni Mitzi, kinabahan siya nang unang sabihin sa kanya na magkakaroon na siya ng teleserye. Nauna na siyang napanood sa ilang episodes ng Daig Kayo ng Lola Ko at Wish Ko Lang.

"Nung una pong sinabi sa akin na I will do a teleserye nga po, and I will play the role of Aicelle, sobrang kinabahan po ako kasi sobrang big shift sa akin kasi singer po ako nung una, then nag-acting na po agad ako, dito po agad, sa AraBella po agad," pag-amin ni Mitzi.

"'Yung mga cast pa po na kasama ko is super galing na, and super bigatin. So sobrang kinabahan din po ako, and at the same time, excited din po talaga."

A post shared by 𝐌𝐢𝐭𝐳𝐢 𝐉𝐨𝐬𝐡 ♡ (@mitzijosh)

Mapapanood rin sa AraBella sina Wendell Ramos, Alfred Vargas, Klea Pineda, Abdul Raman, Ms. Nova Villa, Ronnie Lazaro, Faye Lorenzo, Luis Hontiveros, Saviour Ramos, Madelaine Nicolas, Julia Pascual, at Angel Leighton.

Panoorin ang world premiere ng pinakabagong family drama ng GMA Afternoon Prime na AraBella simula March 6, 3:20 p.m., pagkatapos ng Abot-Kamay na Pangarap.