What's Hot

Singer Sheryn Regis reveals previous cancer scare

Published October 5, 2019 1:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Elusive December sun leaves Stockholm in the dark
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News



Inamin ni Sheryn Regis na labis ang pag-aalala niyang baka mawala na ang kanyang boses nang malaman niyang nasa stage 2 na ang kanyang thyroid cancer.

"I had thyroid cancer."

Sheryn Regis
Sheryn Regis

Ito ang nakagugulat na pag-amin ni Sheryn Regis habang inaalala ang kanyang naging showbiz career sa Pilipinas.

Ayon kay Sheryn, na kasalukuyang naka-base na sa Amerika, nalaman niyang nasa stage 2 na ang kanyang thyroid cancer nang minsang magbakasyon siya sa kanyang hometown sa Cebu noong 2016.

"May napansin akong malaking bukol [sa lalamunan] and parang paglunok ko, mahirap," pag-alala ni Sheryn kung paano niya unang naramdaman ang sakit.

Nakausap ng ilang piling entertainment media si Sheryn sa ginanap na pocket press conference kagabi, October 4.

Patuloy na kuwento ni Sheryn, nagpakonsulta raw sila sa doktor. Sa halip na simpleng konsulta, agad daw siyang pina-biopsy at dito nalaman na thyroid cancer na pala ang naramdamang tila bara sa kanyang lalamunan.

Sa mga panahong ito, aniya, "Bigla akong pumayat. Active naman ako, pero lagi akong nade-depress. Siguro 'yung hormones nga minsan. Stressed.

"Hindi ko namalayan kasi walang sintomas. Akala ko lang kaya ako pumayat kasi lagi akong nag-e-exercise."

Nakadagdag din daw sa kanyang alalahanin noon kung saan siya magpapagamot.

Aniya, "Mahirap kasi hindi ko alam kung sa Amerika ba ako magpapa-surgery o sa Cebu, kasi doon ako [na-diagnose]."

Minabuti raw ni Sheryn na sa Cebu na magpagamot dahil nandito ang kanyang pamilya, bagamat ang kanyang asawa at anak ay nasa Amerika.

Aminado rin si Sheryn na labis ang kanyang pag-aalala bago ang siya sumailalim sa surgery.

Sabi ng "Come on in Out of the Rain" singer, "It was very crucial for me. It's a thyroid cancer.

"'Pag tinanggal, my doctors, sinabi nila sa akin, 'Alam mo ba, maaaring mawalan ka ng voice.'

"Puwedeng mawalan ako ng boses. It was really, really tough.

"Hindi ko lang sinabi kaagad kasi, akala ko, kapag sinabi kong ganyan, wala nang magbibigay sa akin ng [trabaho], na makakakanta pa ako."

Dahil sa surgery at radiation na ginawa sa kanya para magamot ang sakit, naapektuhan nang bahagya ang pagiging singer ni Sheryn.

"Actually, ang restriction ko, hindi ako pwedeng kumanta for six months. I cannot talk. Like the first time [after surgery], hindi talaga.

"Hindi ko alam kung 'yung boses ko ay tataas ba o bababa.

"Even if 'yung daughter ko, ayaw niya akong pakantahin, no talking, pero tina-try ko pa rin kasi ayaw kong kalawangin 'yung boses ko."

Nabanggit din ng 39-year-old singer, "Kapag nagpa-practice ako, masakit. Masakit pero nakayanan ko siya. But you know, my faith really helped me a lot."

Sa ngayon, nagagawa pa rin ni Sheryn kantahin ang ilang birit songs. Subalit, pag-amin ni Sheryn, "Siyempre, mabilis akong mapagod pero kayang-kaya ko naman.

"And I am so thankful to God at saka 'yung support ng family ko ang friends, kundi dahil sa kanila, hindi ko kaya."

Nang tanungin kung maituturin na siyang cancer-free ngayon, ngumiti si Sheryn at sinabing, "I hope so. I think I am cancer-free. Siyempre, I always have check-ups every six months."

Habang nagbabakasyon ngayon sa Pilipinas, mapapanood si Sheryn sa ilang "La MusikKandia" shows ng PAGCOR sa ilang Casino Filipino ngayong October.